Gabay sa Pagsisimula ng Kampanya (fp-PH)
Sa gabay na ito, tatalakayin namin sa iyo ang lahat ng kailangan mong malaman para makapagsimula sa Featured at pag-bid sa aming mga NFT.

Ang kampanyang THE SHOW FANBOX NFT COLLECTION ay magiging available sa Featured. Maghanda tayo para dito!

Talaan ng nilalaman:

  1. 1.
    Gumawa ng crypto wallet
  2. 2.
    Ikonekta ang iyong crypto wallet sa Featured by Binance
  3. 3.
    Bumili ng BNB sa crypto wallet
  4. 4.
    Tumingin at bumili ng FANBOX

1. Gumawa ng Crypto Wallet

Ang unang hakbang ay gumawa ng crypto wallet. Ang digital wallet na ito ay katulad ng isang pisikal na wallet sa totoong buhay, o iba pang mga online account. Binibigyang-daan ka ng wallet na ma-access ang iyong cryptocurrency at iba pang mga asset, gaya ng mga NFT. Hiwalay ang isang wallet sa site ng Featured, ibig sabihin, puwede mong ma-access ang iyong cryptocurrency (at mga NFT) sa iba't ibang platform at device.
Ang Featured ay tugma sa MetaMask, Trust Wallet, Torus, at Binance Chain Wallet. Kaya kung mayroon ka ng alinman sa mga ito, puwede mo itong gamitin. Para sa gabay na ito, inirerekomenda naming gamitin ang MetaMask sa desktop o laptop. Kung gusto mong gumamit ng mobile, bumisita rito.
Tingnan ang page na ito para sa mga patnubay kung paano i-download at i-configure ang MetaMask wallet para sa desktop/laptop.

2. Ikonekta ang Crypto Wallet sa Featured

Ngayong mayroon ka nang wallet, kailangan mong ikonekta ito sa Featured at gumawa ng iyong profile. Sa hompage ng Featured, i-click ang dilaw na button na [Connect Wallet] ([Magkonekta ng Wallet]) sa kanang sulok sa itaas. Piliin ang wallet na gusto mong ikonekta, sa kasong ito, piliin ang [MetaMask].
Ang iyong Featured account ay awtomatikong maikokonekta at maili-link sa iyong wallet.

I-set up ang iyong profile (Opsyonal)

Kung gusto mo, puwede mong i-set up ang iyong profile gamit ang iyong pangalan, profile picture, at mga detalye, pero hindi ito kailangan para bumili at mag-bid sa mga NFT. Para i-set up ang iyong profile, i-click ang icon na bilog sa kanang sulok sa itaas at pagkatapos ay [Profile] mula sa drop down menu.

3. Bumili ng BNB sa crypto wallet

BNB ang cryptocurrency na ginagamit sa Featured. Ginagamit ito para bumili ng mga NFT, at para sa bayarin sa transaksyon na kaugnay ng iba't ibang pagkilos.
Para bumili ng BNB, mag-click lang sa iyong profile picture sa kanang sulok sa itaas ng site. Pagkatapos, sa drop down, i-click ang [Buy BNB] ([Bumili ng BNB]).
Dito, puwede kang bumili ng BNB gamit ang credit card o sa pamamagitan ng Binance.com. Sa gabay na ito, pipiliin natin ang credit card.
Bumili ng BNB gamit ang credit card:
Gamitin ang kaliwang drop down para piliin kung anong crypto ang gusto mo, sa kasong ito ay BNB. Pagkatapos, sa kanang drop down, puwede mong piliin kung sa anong currency ka magbabayad. Sinusuportahan nito ang iba't ibang uri ng Fiat currency.
Ilagay kung magkano ang BNB na gusto mo, o magkano ang handa mong gastusin.
Pagkatapos, kopyahin ang iyong wallet address sa kaliwang kahon at i-click ang [continue] ([magpatuloy]).
Sa susunod na page, ilagay ang impormasyon ng iyong credit card at kumpirmahin ang transaksyon.
Tingnan ang iyong wallet para matiyak na pumasok ang transaksyon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-click sa iyong profile picture sa kanang sulok sa itaas ng site ng Featured at pagtingin sa iyong BNB sa drop down.

4. Tumingin at Bumili ng FANBOX

Gamit ang iyong nakakonektang wallet at ginawang account, puwede ka na ngayong bumili ng FANBOX. Maa-access ang drop page ng kampanya sa pamamagitan ng banner sa homepage.
Mag-click sa button na "Buy Now" ("Bumili Ngayon") mula sa page ng kampanya, at lalabas ang page ng FANBOX.
Mag-click sa button na "Buy Now" ("Bumili Ngayon").
Pagkatapos ay hihilingin sa iyo na kumpirmahin ang pagbili mula sa iyong crypto wallet. Kung gumagamit ka ng mga browser extension wallet, lalabas ang page ng kumpirmasyon ng wallet sa screen ng iyong desktop/laptop. Kung kumokonekta ka sa Trust Wallet app sa pamamagitan ng iyong mobile device, kumpirmahin ang transaksyon mula roon. (paalala: puwedeng mag-iba ang screen ng wallet at label ng button depende sa uri ng wallet mo, ang screen sa ibaba ay sanggunian lang.)
Nakumpirma na ang pagbili at sa iyo na ang FANBOX!
Last modified 1mo ago