Paano I-download ang MetaMask (Desktop/Laptop)(fp-PH)

Ang page na ito ay naglalaman ng mga patnubay kung paano i-download at ikonekta ang MetaMask wallet sa Featured sa pamamagitan ng desktop o laptop (inirerekomenda ang Chrome browser).

Para i-download ang Metamask para gamitin sa Featured, bisitahin ang metamask.io.

Sa homepage, i-click lang ang [Download Now] ([I-download Ngayon]).

Sa kasunod na page, piliin ang [Chrome] at pagkatapos ay i-click ang [Install MetaMask for Chrome] ([I-install ang MetaMask para sa Chrome]).

Dadalhin ka nito sa Chrome Web Store kung saan puwede mong i-install ang extension ng browser. I-click ang [Add to Chrome] ([Idagdag sa Chrome]).

Kapag nag-iinstall, isang blangkong bagong window ang posibleng magbukas. Kailangan mong pumunta sa icon ng puzzle piece sa tuktok ng iyong browser at mag-click sa [MetaMask].

Bubuksan nito ang page ng Magsimula sa MetaMask. I-click ang [Get Started] ([Magsimula]) para magsimula.

Sasalubungin ka ng dalawang pagpipilian. Puwede kang mag-log in sa iyong MetaMask account, o gumawa ng bago. Malamang na gusto mong gumawa ng bago, kaya mag-click sa [Create a Wallet] ([Gumawa ng Wallet]).

Dito, gagawa ka ng password.

Sa susunod na page pagkatapos nito, bibigyan ka ng seed phrase. Ang phrase na ito ay binubuo ng hindi bababa sa 12 salita na dapat panatilihing ligtas. HINDI MO PUWEDENG MAWALA ito at HINDI MO RIN PUWEDENG I-SHARE ito, o may panganib na mawala mo nang tuluyan ang iyong wallet account.

Pagkatapos mong kumpirmahin sa MetaMask na na-save mo na ang iyong seed phrase, nagawa mo na ang iyong bagong wallet. Makikita mo ang extension icon sa kanang sulok sa itaas ng iyong web browser, dito mo maa-access ang iyong wallet nang direkta nang hindi kailangng bumisita sa website ng MetaMask.

Ngayong nagawa na ang iyong wallet, ang wallet address mo ay ang mahabang string ng mga numero at titik, na may prefix na "0x". Puwede mong kopyahin ang iyong buong wallet address sa pamamagitan ng pag-click sa pinaikling address sa pangunahing page o sa ilalim ng page na 'Receive' ('Tumanggap')

Para sa mga patnubay sa kung paano bumili ng BNB sa iyong wallet, tingnan kung Paano Bumili ng BNB.

Last updated